Ang Yujaku Park ay ang dating lupain na ibinigay ng pinuno ng Oka domain sa kanyang chief retainer para matayuan ng isang bahay na pangbakasyon. Minana naman ito ng Kira clain noong taong 1880 sa panahon ng Meiji, at kasalukuyang pinangangalagaan ng bayan ng Asaji sa Oita Prefecture. Isang kalsada patungo sa pangalawang tirahan ng dating daimyo ang matatagpuan dito, at ang parke ay nagsilbing lugar kung saan tinatanggap ang mga bisita ng daimyo, kabilang na ang kilalang Japanese painter na si Tanomura Chikuden at Japanese Confucianist philosopher na si Rai San’yu. 

 

Dalawang lawa na nahahati sa hilaga at timog na bahagi ng parke ang matatagpuan sa kalagitnaan, kung saan may tumutubong mga 500 na puno ng maple. Ang mga puno na ito ay nagiging matingkad na pula at dilaw tuwing buwan ng Nobyembre at naghihikayat ng maraming bisita lalo na tuwing katapusan ng linggo o holiday kapag iniilawan sa gabi ang mga puno.

 

Source: www.visit-oita.jp

 

Impormasyon paradahan (presensya at bayad): 

Parking available

Ang ibig sabihin ng transportasyon: 

5 minuto gamit ang sasakyan o 1.5 kilometrong lakad mula sa JR Asaji Station

Asajimachi Kamiotsuka, Bungo-ono City, Oita Prefecture
879-6213

 

施設一覧
地図下部のアイコンを 選択してください
 

 

  • 自然景観
  • 歴史・文化
  • 温泉
  • レジャー・
    スポーツ
  • 食・お土産
  • 宿泊情報
  • ショッピング
  • お勧め
  • 同国人