Isang sikat na putahe mula sa Yanagawa ang "unagi no seiro mushi" o pinasingawan at inihaw na igat. Ito ang unang naiisip ng mga tao kapag pinag-uusapan ang igat na nanggaling sa Fukuoka Prefecture. Sa ibang lugar, ang igat ay niluluto at binebenta bilang "unajuu" o "unadon" (kung saan ang inihaw na igat ay nakapatong sa ibabaw ng bagong saing na kanin), ngunit sa Yanagawa, ang igat ay inihahanda sa istilong unagi no seiro mushi. Sa putaheng ito, ang inihaw na igat kasama ng piniritong itlog na hiniwa ng manipis ay ipinapatong sa kanin na hinaluan ng espesyal na sarsa. Ang buong lalagyan ngayon nito ay pinapasingawan upang manuot sa kanin ang lasa ng sarsa at ng igat.

 

Maraming kainan sa siyudad ng Yanagawa ang matagal nang nagbebenta ng unagi no seiro mushi, at lahat sila ay may kani-kaniyang espesyal at tradisyonal na sarsa, at ang paraan ng pagluluto ng mga ito ay ang kanilang pinakatago-tagong sikreto.

 

Source: Kyushu Tabi Net
Image (c) Gurunavi

 

 

施設一覧
地図下部のアイコンを 選択してください
 

 

  • 自然景観
  • 歴史・文化
  • 温泉
  • レジャー・
    スポーツ
  • 食・お土産
  • 宿泊情報
  • ショッピング
  • お勧め
  • 同国人