Ang “Ikamaru” ay isang sightseeing boat tour na lumalakad mula Yobuko Port papunta sa silangang bahagi ng Yobuko kung nasaan ang Nanatsugama Caves. Ang mismong tour ay tumatagal ng mga 40 minuto na punong-puno ng magagandang tanawin mula sa dagat. Ang Nanatsugama Caves ay nabuo dahil sa patuloy na paghampas ng alon sa bato mula pa noong ilang libong taon nang nakalipas, na siyang bumuo ng kakaiba ngunit magandang anyo ng cliffs nito ngayon. Ang maraming mala-posteng bato na nakahanay ay tila gawa ng sining at ang mismong kweba ay mayroong kakaibang pakiramdam. Ang pinakamagandang parte ng cruise ay ang sandali na papasok ang cruise sa loob ng kweba. Habang tumutuloy ang cruise nang dahan-dahan papunta sa kadiliman ng kweba, makikita mo nang malapitan ang mga bato na siyang highlight ng cruise na ito! 

 

(Source: toretarae.exblog.jp)

 

営業時間・休日: 

9:30 AM-4:30 PM isang beses kada oras. Ang cruise ay tumatagal nang mga 40 minuto.

料金: 

Adult: \1600
Child (grade school and below): \800
Toddler/infant: libre kapag may kasamang adult (1 toddler/baby kada 1 adult)

Impormasyon paradahan (presensya at bayad): 

Parking available 

その他: 

Access: 

・Mula JR Karatsu north exit (kitaguchi) → maglakad papuntang Karatsu Oteguchi Bus Center. Sumakay sa Showa bus papuntang Hadomisaki/Yobuko ng mga 30 minuto. Bumaba sa Yobuko bus stop. Makikita agad pagkababa.

・1-oras na drive (43km) mula Nagasaki Expressway-Taku IC via prefectural road number 203

847-0303

 

施設一覧
地図下部のアイコンを 選択してください
 

 

  • 自然景観
  • 歴史・文化
  • 温泉
  • レジャー・
    スポーツ
  • 食・お土産
  • 宿泊情報
  • ショッピング
  • お勧め
  • 同国人