Sa gitna ng peninsula na siyang naghihiwalay sa Hakata Bay at Genkai Sea at kilala sa tawag na "Uminonakamichi" (na ang ibig sabihin sa Japanese ay 'daan sa gitna ng dagat') ay ang isa sa mga pinakamalakaing seaside park sa Japan. Malamang nga ay ito na ang pinakamalaki, ang Uminonakamichi Seaside Park. Matatagpuan sa loob ng malawak na lupain ang iba't-ibang bulaklak tulad ng mga daffodil, tulip, rose, cosmos tuwing panahon ng taglagas, at marami pang ibang bulaklak depende sa panahon. Mayroon ring tinatawag na "Animal Forest" kung saan maaaring hawakan ang mga hayop, at mayroon ring "Sunshine Pool" na mayroong anim na swimming pool at mga slide na bukas tuwing summer. Maaari ring mag-enjoy sa tanawin ng buong park kapag sumakay sa higanteng ferris wheel. Bukod dito, mayroon ring mga bicycle course sa loob ng park kung saan pwede magbisikleta nang mag-isa o sakay ng mga bisekletang pang-dalawang tao. Halina at magpalipas ng isang buong araw dito sa Uminonakamichi at igalaw ang ating mga katawan para sa ating kalusugan!

 

Hakata Station
鉄道
JR Kagoshima Line, around 11 minutes
Kashii Station
鉄道
JR Kashii Line, around 20 minutes
JR Uminonakamichi Station (Ekiguchi gate)
Mga Oras at pista opisyal: 

March 1 hanggang October 31: 9:30 AM-5:30 PM

November 1 hanggang katapusan ng February: 9:30 AM-5:00 PM

(Maaaring magbago ang oras ng pagbukas ng Sunshine Pool kung mayroong ibang event)

 

Sarado sa mga sumusunod na araw:

Unang Monday (at ang susunod na araw) ng February

December 31 hanggang January 1

bayad: 

Adult (15 years old and above): JPY 410

Child (elementary and junior high school student): JPY 80

* Ang mga batang mas mababa ang edad sa elementary student ay libre

 

Senior citizen (65 years old and above): JPY 210

 

Nagbebenta rin ng "annual passport" (ticket para sa isang buong taon)

Impormasyon paradahan (presensya at bayad): 

Parking available para sa 3100 spaces. Ang parking fee ay JPY 520.

iba: 

Event: Flower Picnic (March 25 to May 7, 2017)

Halina at mag-picnic sa gitna ng mga bulaklak ng nemophila (baby blue eyes), tulip, poppy, at marami pang iba! Mayroon ring mga performance, at iba't-ibang event tulad ng animal petting zoo!

 

Homepage: http://www.uminaka.go.jp/ (park guide available in English)

18-25 Saitozaki, Higashi-ku, Fukuoka, Fukuoka
811-0321
Phone092-603-1111

 

施設一覧
地図下部のアイコンを 選択してください
 

 

  • 自然景観
  • 歴史・文化
  • 温泉
  • レジャー・
    スポーツ
  • 食・お土産
  • 宿泊情報
  • ショッピング
  • お勧め
  • 同国人