Sa pinakadulo ng Udozaki na isa sa mga pinakadulu-duluhan ng Miyazaki ay matatagpuan ang Udo Shrine. Isa itong shrine kung saan ang punong templo na pinagsasambahan ang diyos na si Ugayafukiaezo no Mikoto (ama ni Emperor Jinmu na siyang pinakaunang emperador ng Japan) ay nasa loob ng isang kweba na nakaharap sa dagat. Si Ugayafukiaezo ay kilala bilang diyos ng kasal at relasyon, lalo na sa paghahanap ng makakatuluyan. Ayon sa sikat na katutubong awit mula sa panahon ng Taisho na kung tawagin ay "Shanshan uma douchu", ang mga bagong kasal sa Miyazaki ay bumibisita dito sa Udo Shrine. Sinasabitan ng mga kamag-anak ng bagong kasal ang kabayo na sasakyan ng babae pauwi ng mga maliliit na kampana, pagkatapos ay sasalubungin sila ng mga tao sa daan. Sa kasalukuyang panahon ay isinasagawa pa rin ang tradisyon na ito sa Miyazaki at Nichinan.
[photo courtesy of the Miyazaki City Tourism Association]



April hanggang September: 6:00 AM-7:00 PM
October hanggang March: 7:00 AM-6:00 PM
Free
* Lucky balls sold for JPY 100
Free parking available
Homepage: http://www.udojingu.com/ (Japanese only)
- 自然景観
- 歴史・文化
- 温泉
- レジャー・
スポーツ - 食・お土産
- 宿泊情報
- ショッピング
- お勧め
- 同国人