Ang Hakata Gion Yamakasa ay ginaganap taon-taon tuwing July 1 hanggang 15. Sa panahon na ito, nagtatayo ng magagarang Yamakasa decoration na lagpas 10 metro ang tangkad sa iba't-ibang lugar sa Fukuoka City. Ang mga matatangkad na dekorasyon na ito na maihahalintulad siguro sa Christmas tree ay dinadayo ng mga tao na nagbibilang sa lagpas 3 milyon kada taon para lamang makita ang mga ito.

 

Tuwing July 10 naman ay nagkakaroon ng event kung saan binibuhat ang mga tinatawag na Kakiyamakasa float na may bigat na 1 tonelada ng mga lalaki habang sila ay tumatakbo! Sa huling araw naman ng festival sa July 15, 4:59 ng umaga, pitong float ang itinatakbo ng 5 kilometro sa kalsada hanggang sa marating ang goal.

 

May iba't-ibang haka-haka kung paano unang ginanap ang Hakata Gion Yamakasa festival, at ayon sa Hakata Gion Yamakasa Promotion Association, nagsimula ito noong taong 1241 nang magkalat ng tubig si Enni Ben'en (isang Japanese monk) sa mga kalsada ng Hakata para daw mapigilan ang pagkalat ng sakit noong panahong iyon. Ang mga manininda noong panahon rin na yun ay naglalakad sa mga kalsada habang may buhat na segakidana (isang rack na may lamang pagkain na iniaalay sa mga yumaong kaluluwa) sa balikat nila. Ipinagmamalaki ng festival na ito ang tradisyon na ito na mahigit 770 taon nang ginagawa.

 

Yamakasa decorations
The Yamakasa being carried by people

 

施設一覧
地図下部のアイコンを 選択してください
 

 

  • 自然景観
  • 歴史・文化
  • 温泉
  • レジャー・
    スポーツ
  • 食・お土産
  • 宿泊情報
  • ショッピング
  • お勧め
  • 同国人