Sa pista na ito sa area ng Fukushima, bukas sa mga bisita ang mahigit 100 pribadong tahaan at pati na rin nga tindahan dahil mayroon silang kanya-kanyang display ng mga Hakobina (mga manyika sa loob ng display case) na mula pa sa panahon ng Edo at Meiji. Ang buong bayan ay nagliliwanag dahil sa mga nakadisplay na manyika kahit saan ka man tumingin! Isang parada sa March 1 ang isinasagawa na magmamartsa sa buong bayan. Mayroon ring iba't-ibang event katulad ng demonstration sa paggawa ng manyika na ginaganap sa Yame Doll Hall, mga tour sakay ng rickshaw, memorial service para sa mga manyika at marami pang iba!

 

Para malaman kung maaaring pumasok sa isang bahay, hanapin kung mayroong paper lantern na kulay pink sa labas. Ito ang indikasyon na maryoong naka-display na manyika sa loob. 

 

Source: www.crossroadfukuoka.jp

 

panahon pinigilang: 

February 12, 2017 hanggang March 12, 2017

iba: 

Access:

・Sakay ng kotse - Mga 10 minuto mula Yame Interchange sa Kyushu Expressway

・Sakay ng train at bus - Sumakay ng JR train mula Hakata Station hanggang Hainuzuka Station; sumakay sa Horikawa Bus at bumaba sa Fukushima stop; 10-minutong lakad mula dito

・Sakay ng bus - Sumakay ng Nishitetsu Bus mula Nishitetsu “Kurume” Station hanggang sa Fukushima stop; 10-minutong lakad mula dito

Fukushima area, Yame City
834-0031

 

施設一覧
地図下部のアイコンを 選択してください
 

 

  • 自然景観
  • 歴史・文化
  • 温泉
  • レジャー・
    スポーツ
  • 食・お土産
  • 宿泊情報
  • ショッピング
  • お勧め
  • 同国人