Magliwaliw sa kalagitnaan ng mga bulaklakin at halamanan sa Shiranoe Botanical Gardens. Matatagputan ito sa isang burol, at sa tuktok nito ay may tunghayan ng dagat ng Suo. Mayroon ditong iba-ibang klase ng mga bulaklak at halaman. Tampok din ang mga hardin ng sakura o cherry blossom, hardin ng mga azalea, peony, at iba pang uri ng mga bulaklak, isang lambak na puno ng mga bulaklak, mga bana, at mga aquatic gardens na may iba-ibang klase ng halamang tubig.

 

Dahil sa iba-ibang uri ng mga sakura na matatagpuan dito, gaya ng someiyoshino, ang satozakura ng Shiranoe (kinikilalang Natural Monument o simbolo ng Fukuoka prefecture), at ang hindi pangkaraniwang gyouikou o sakura na may mapusyaw na berdeng bulaklak, maraming dumadalaw dito tuwing tagsibol.

 

Maaaring tamasahin ang magarang tanawin ng mga bulaklak at halaman dito at mag-picnic, maglakad-lakad sa may kagubatan, at mag-bird watching sa Shiranoe Botanical Gardens.

 

* Tungkol sa lugar
Area: mga 7.5 hectares
* Wheelchair-friendly
Mayroong mga daanan, banyo, at guide dog para sa mga taong may disability. Maaari rin silang makatanggap ng discount rate, pati na rin ang mga senior citizen.

 

(Source: Crossroad Fukuoka)

(Photo by Mark Kenny, Shiranoe Botanical Garden HP日本隅々の旅)


 

2 Chome Shiranoe, Moji Ward, Kitakyushu
801-0802

 

施設一覧
地図下部のアイコンを 選択してください
 

 

  • 自然景観
  • 歴史・文化
  • 温泉
  • レジャー・
    スポーツ
  • 食・お土産
  • 宿泊情報
  • ショッピング
  • お勧め
  • 同国人

Ang mga taong nakabasa ng article na ito ay interesado rin sa mga ito hotels.