I want to visit this.: 
No votes yet
2016/08/24

 

Sa isang hotel na “Kyoto-ya” kung tawagin kami natulog para sa gabing ito. Inantok ako agad pagkahiga ko sa kama ko kaya ang sarap ng tulog ko, pero medyo masakit yung ulo ko nung nagising na 'ko. Kasalanan siguro ng init ng araw kahapon.

 

Malapit rin sa train station ang Kyoto-ya at saka mayroon rin silang onsen dito. 

 

 

Japanese-style yung almusal namin na may kasamang itlog na nilaga sa hot spring at nattou (fermented soybean). Medyo kakaiba yung amoy ng nattou pero tingin ko hindi naman mabaho. Yung kanin naman namin parang may kasamang keso at hinaluan ko rin ito ng mustard at toyo. Ang sarap!

 

 

Nagpunta kami sa Takeo Onsen noong 8:50 AM. Dapat daw ay tatlo ang gusali nito pero nakulangan sa budget kaya iisa lang ang naipagawa. Pero para maging kapansin-pansin ito, ginawang matingkad na pula ang kulay nito.

 

 

Sa unang palapag ay mayroong sobrang lumang bath tub. Pwede kang pumasok sa loob pero bawal umupo kaya nakatayo lang kami. Pagkatapos daw maligo dito ay pwede kang pumunta sa ikalawang palapag para magrelax o matulog, at iba pa. 

 

 

Pagkatapos, pumunta naman kami sa Yutoku Inari Shrine. Nagsuot ako ng kimono! Ang cute niya tsaka hindi mainit kahit suot mo. Mukha na akong Japanese, 'di ba? Haha!

 

 

Pagkatapos, pumunta kami sa isang historical park. Napapaligiran ito ng mga korteng higanteng lapis na bakod. Mayroon ring mga "ibon" sa ibabaw para makita ang direksyon ng hangin. Ang baryo na ito ay dating tinirhan ng mga tao mga 2,000 taon na ang nakakalipas. Mayroong mga 22 na bahay dito na itinayo ng mga leader noon na may mga 7 tao kada bahay. Nagtatanim ng bigas at gulay ang mga tao noon na ibinibigay nila sa leader. 

 

Maganda rin daw ang park na ito sa panahon ng tag-lamig.

 

 

Pagkatapos naman ay uminom kami ng sencha (tsaa na gawa sa dahon) at mga Japanese na sweets. Sobrang sarap ng pareho, parang gawa talaga sa mga high-class na sangkap. Ang sabi sa amin, kapag iinom ng sencha ng unang beses ay dapat ibabad ang dahon ng 1 minuto at 30 segundo, pero sa pangalawang inom ay 30 segundo na lang ang pagbabad sa dahon.

 

 

Masarap naman ang hapunan namin gabi-gabi, pero parang mas masarap ngayong gabi dahil nakainom ako ng lemon highball sa unang pagkakataon. Nasarapan talaga ako kaya gusto ko na ang alak na ito.

 

 

Sa pinakahuli naman ay nanood kami ng light show ng Saga Prefecture na kung tawagin ay “Night of Light.” Nagsimula ito ng mga 8:00 PM. Salamin yung buong screen at ang ganda nung buong palabas. 

 

Tapos na ang paglalakbay ko sa Saga! Ang saya-saya ng trip na ito at busog na busog talaga ako araw-araw. Maraming salamat at nakapunta ako dito!

 

Para sa mga karagdagang detalye at imahe, click here (originally posted in Thai).

 

 

Related Links

Special Feature: 4-day, 3-night Saga Prefecture Tour Via Rental Car

Saga, A Travel Story: Day 1

Saga, A Travel Story: Day 2

 

"JAPAN DISCOVERY"paglalakbay

Petsa ng pag-update: 2016-09-14 11:21
Gusto kong pumunta:
2
Average: 2 (1 vote)
Petsa ng pag-update: 2016-09-14 11:18
Gusto kong pumunta:
4
Average: 4 (1 vote)
Petsa ng pag-update: 2016-09-14 11:16
Gusto kong pumunta:
4
Average: 4 (1 vote)
Petsa ng pag-update: 2016-09-13 11:48
Gusto kong pumunta:
4
Average: 4 (1 vote)
Petsa ng pag-update: 2016-09-13 11:47
Gusto kong pumunta:
4
Average: 4 (1 vote)

Mga Pahina