I want to visit this.: 
4
Average: 4 (1 vote)
2016/08/23

 

Alas-dos ng umaga na ako nakatulog, pero nagising ako ng alas-sais. Kung normal na araw lang ito, 'di siguro ako magigising ng ganito kaaga.

 

Ang almusal para sa araw na ito ay isda na kung tawagin ay “saba” at maraming okazu o mga side dish. Sa sobrang dami ng nakain ko, inantok ako ulit. 

 

 

Ang unang lugar na pinuntahan namin ay isang bayan na kung tawagin ay Arita, ang lugar kung saan ginagawa ang mga Japanese ceramics. Ang unang kwarto ay para sa pagbuo ng hugis ng mga ceramics. Ang pangalawa ay kwarto kung saan sila pinipinturahan, at ang ikatlo naman ay isang gallery.

 

 

Pagkatapos naman ay pumunta kami sa Okawauchiyama na isang area sa Arita kung saan unang binuo ang ceramics sa Japan.

 

 

Pumunta kami sa Sueyama Shrine pagkatapos. Bumili ako dito ng cute na written fortune at nagdasal para sa swerte.

 

 

Bumisita kami sa mukhang sosyal na restaurant na ito.

 

 

Hindi daw masyadong kilala o nakikita ang mga taga-Thai dito.

 

Um-order ako ng Saga wagyu beef dito sa Gallery Arita, ang pangalan ng restaurant. Sobrang lambot ng karne nung kinain ko. Kung mahilig ka sa karne, dapat ito ang order-in mo. Para naman sa dessert, kumain ako ng goma purin (sesame seed pudding). Tingin ko magaling talaga ang mga Japanese sa paggawa ng mga dessert na katulad nito.

 

 

Pagkatapos ay nagpunta kami sa isang ceramic painting workshop. Mahirap pala magpintura sa ceramic. Nadumihan tuloy ng kaunti yung sa akin. Dapat ata kumuha ulit ako ng art class!

 

 

Ang susunod na lugar ay ang Takeo Shrine. Mayroong napakalaking puno dito na mahigit 3,000 taong gulang na. Bumili ako dito ng anting-anting para makahiling sa mga diyos. Tatlo ang kulay na pwedeng pagpilian sa mga anting-anting: pula para sa pag-ibig, dilaw para sa swerte sa negosyo, at puti naman para sa kapayapaan. Bago ko pa malaman kung ano ang ibig sabihin ng mga kulay, pula yung nabili ko!

 

 

Pagkatapos dito ay nagpunta naman kami sa Takeo City Library, ang aklatan ng munisipyo ng Takeo. Akala ko nga malaking Kinokuniya 'to, na isang malaking bookstore sa Thailand, pero aklatan pala at saka mas malaki dito ay mas maraming libro. Mayroon ring Starbucks sa loob nito. 

 

 

Dumating kami sa pagtutulugan namin ngayong gabi sa wakas at nagkaroon ng kaunting oras para makapagpahinga bago kumain ng hapunan. Oo nga pala, ang dami ng nakain ko nung tanghalian at nabusog talaga ako, pero kapag pagkain ang usapan, kahit anong oras, kain lang! 'Di ba!

 

 

Pagkatapos naman ng hapunan ay nagpunta kami sa Mifuneyama Rakuen para makapanood ng light show. Ang galing talaga ng show na ito na may kasama pang tugtog. Pagkatapos ng show ay kumain kami ng kakigori (shaved ice). Sobrang busog ako sa good mood at pati sa pagkain!

 

Para sa mga karagdagang detalye at imahe, click here (originally posted in Thai).

 

 

Related Links

Special Feature: 4-day/3-night Paglibot sa Saga Prefecture via Rental Car

Saga, A Travel Story: Day 1

Saga, A Travel Story: Day 3

 

"JAPAN DISCOVERY"paglalakbay

Petsa ng pag-update: 2016-09-14 11:21
Gusto kong pumunta:
2
Average: 2 (1 vote)
Petsa ng pag-update: 2016-09-14 11:18
Gusto kong pumunta:
4
Average: 4 (1 vote)
Petsa ng pag-update: 2016-09-14 11:16
Gusto kong pumunta:
4
Average: 4 (1 vote)
Petsa ng pag-update: 2016-09-13 11:48
Gusto kong pumunta:
4
Average: 4 (1 vote)
Petsa ng pag-update: 2016-09-13 11:47
Gusto kong pumunta:
4
Average: 4 (1 vote)

Mga Pahina