I want to visit this.: 
4
Average: 4 (1 vote)
2016/08/22

 

'Pag dating ko sa Saga, naisip ko na napaka-mapayapang distrito nito at sagana sa kalikasan. Ang una kong pagkain na natikman ay ang pusit na sashimi na aking pinananghalian sa Saikoutei, isang restawran sa may tabing-dagat. Hindi ako masyadong mahilig sa hilaw na pagkain ngunit nasarapan ako sa manamis-namis na pusit na aking natikman. Nasarapan din ako sa tempura na pusit.

 

 

Ang tawag sa lugar na ito ay Suginohara. Pakiramdam ko ay nasa New Zealand ako. Mainit ang araw, pero nakakapawi sa init ang tuloy-tuloy na daloy ng hangin sa paligid.

 

 

Pagkatapos noon, nagpunta naman kami sa Hadomisaki upang matanaw ang magandang dalampasigan at ang nakapaligid na tubigan.

 

 

Nagpunta kami sa Karatsu Castle matapos noon. Napakaswerte ko na nakarating ako sa lugar na ito at nakakuha ng maraming ritrato.

 

 

Kumain kami ng Karatsu burger. Kagaya ng sinasabi ng marami, napakasarap nito.

 

 

Nagpunta naman kami sa Mount Kagamiyama. Napakaganda at kaibig-ibig ang tanawin dito.

 

 

Nakarating kami sa aming tutuluyan sa gabi na iyon, ang Forest Inn Imari, at doon kami'y naghapunan. Ang karne ng baka na galing sa Imari ay mataba, kaya ito ay malambot at talagang napakasarap. Masarap din at kaaya-aya ang amoy ng inihain na sazae (o turban shell,  isang kabibi na korteng tukarol).

 

Ang dami kong nakaing masasarap ngayong araw na ito! Aabangan ko ang susunod na araw!

 

Para sa mga karagdagang detalye at imahe, click here (originally posted in Thai). 

 

 

Related Links

Special Feature: 4-day/3-night Paglibot sa Saga Prefecture via Rental Car

Saga, A Travel Story: Day 2

Saga, A Travel Story: Day 3

 

"JAPAN DISCOVERY"paglalakbay

Petsa ng pag-update: 2016-09-14 11:21
Gusto kong pumunta:
2
Average: 2 (1 vote)
Petsa ng pag-update: 2016-09-14 11:18
Gusto kong pumunta:
4
Average: 4 (1 vote)
Petsa ng pag-update: 2016-09-14 11:16
Gusto kong pumunta:
4
Average: 4 (1 vote)
Petsa ng pag-update: 2016-09-13 11:48
Gusto kong pumunta:
4
Average: 4 (1 vote)
Petsa ng pag-update: 2016-09-13 11:47
Gusto kong pumunta:
4
Average: 4 (1 vote)

Mga Pahina