I want to visit this.: 
4
Average: 4 (1 vote)
2016/08/24

 

Nagpunta kami sa Takeo Onsen nung huling araw namin. Itong malaking pula at puti na gate ay tinatawag na Roumon at mula dito ay kitang-kita agad ang gusali ng Takeo Onsen. May matandang lalaki sa loob na talagang sinubukang ipaliwanag sa amin ang tungkol sa kasaysayan ng onsen na ito. 

 

 

Kung gusto mo makaranas na magbabad sa malaking bath tub, subukan mo ito. Madali lang gamitin ito: una pipili at pipindot ka sa vending machine tapos tsaka mo ipapasok ang pera mo. Makakatanggap ka naman ng ticket para makapasok ka sa hot spring o onsen.

 

 

Mayroon ring lugar kung saan makakapag-relax ang mga tao pagkatapos maligo. Nakakapawi daw talaga ng pagod kapag nagpahinga ka pagkatapos magbabad sa hot spring habang umiinom ng malamig na inumin.

 

 

Para sa araw na ito gusto naming maging kasingganda ni Araya “Chompoo” Hargate (*isang sikat na Thai na artista) kaya nagsuot kami ng mga kimono bago kami pumunta ng Yutoku Inari Shrine. Isa ito sa mga pinag-shooting-an ng sikat na Thai drama na “Kol Kimono.” Wala akong ibang masabi tungkol sa matingkad na kulay ng tanawin na ito kundi napakaganda nito talaga. May aakyatin na hagdanan para makarating ka sa taas, pero pinagbigyan kami na gamitin ang elevator. Sobrang ganda at tahimik doon sa taas. 

 

 

Pagkatapos maglibot sa shrine, naglakad-lakad naman kami sa shopping street sa malapit at nagtingin-tingin sa mga shop doon. Namili na rin kami ng mga pasalubong. Sobrang bait ng lahat ng tao at lagi nila kaming binabati nang may mga ngiti.

 

 

Pagkatapos, nagpunta kami sa Hizen-hamashuku. Sumilip kami sa isang sake brewery at nag-taste test ng ilang alak. Ang tamis nung iba! Kung mahilig ka sa sake o alak, 'di mo 'to dapat palagpasin. Napabili nga ako ng umeshu (plum wine) para dalhin pauwi sa Thailand. Mayroon ring soft drinks version ng sake na ibinebenta. 

 

 

Dessert time na! Pumunta kami sa Hizen Sencha Center para magtaste-test ng sencha (tsaa na gawa sa dahon). Ang sencha na ito ay galing sa Ureshino na nasa kabilang siyudad lang. Kumain rin kami ng mga Japanese sweets.

 

 

Pwede ka ring mag-aral kung paano magtimpla ng tsaa dito. Nagtimpla kami ng sarili naming sencha na may gamit na timer. Bukod sa sencha, nakakain rin kami ng ibang dessert na gawa sa dahon ng tsaa. Akala ko mapait yung magiging lasa pero hindi naman pala. Natuwa ako na naka-experience kami ng ganito dito. 

 

 

Pagkatapos ay nagpunta kami sa Yoshinogari Historical Park. Isa itong lugar kung saan ipinapakita ang kabuhayan ng mga tao sa Japan 2,000 taon nang nakalipas. Dahil sa park na ito, madaling masasagot ang mga tanong tulad ng “paano kaya nila binuo ang mga baryo nila noon?” o 'di kaya, “gaano kaiba ang lipunan at pamumuhay noon kaysa ngayon?” Ang isa pang ikinaganda ng park na ito ay madali itong puntahan, isang sakay lang ng tren mula Saga City.

 

 

Sobrang inantay ko talaga ang pinakahuling lugar na pinuntahan namin para sa araw na 'to. Ito ay light projection show na binuo at isinagawa sa Saga City Hall. Kahawig nito 'yung projection show ng teamLab, pero ang ikinaganda nitong show na ito ay ang kahanga-hangang tanawin ng Saga City sa gabi at ang projection ay ginawa sa ibabaw ng salamin. Maganda na, libre pa! 'Wag palagpasin 'to at manood na!

 

Para sa karagdagang detalye at mga imahe, CLICK HERE (originally posted in Thai).

 

 

Related Links

Special Feature: 4-day, 3-night Saga Prefecture Tour Via Rental Car
Saga Is More Than You Think! Day 1
Saga Is More Than You Think! Day 2

 

"JAPAN DISCOVERY"paglalakbay

Petsa ng pag-update: 2016-09-14 11:21
Gusto kong pumunta:
2
Average: 2 (1 vote)
Petsa ng pag-update: 2016-09-14 11:18
Gusto kong pumunta:
4
Average: 4 (1 vote)
Petsa ng pag-update: 2016-09-14 11:16
Gusto kong pumunta:
4
Average: 4 (1 vote)
Petsa ng pag-update: 2016-09-13 11:48
Gusto kong pumunta:
4
Average: 4 (1 vote)
Petsa ng pag-update: 2016-09-13 11:47
Gusto kong pumunta:
4
Average: 4 (1 vote)

Mga Pahina