I want to visit this.: 
2
Average: 2 (1 vote)
2016/08/23

 

Sinimulan namin ang aming pangalawang araw sa Saga sa pagbisita sa Okawachiyama, kung saan nila sinimulan ang paggawa ng Japanese ceramics mahigit 300 taon na ang nakakalipas.

 

 

Nagpunta din kami sa pagawaan ng ceramics. Nakita namin kung paano kinokortehan at pinipinturahan ang mga ito. Nakikinig sa tugtugin ang mga manggagawa habang sila'y nagtatrabaho. Mukhang napaka-relaxing na paraan ito ng paggawa. Nagalingan din ako sa kanilang pagguhit.

 

 

Matapos naming tingnan ang loob ng pagawaan, naglibot-libot kami. May nakita kaming mga tindahan ng ceramics sa paligid. Nagbebenta din ng ceramics maski iyong mga bahay-bahay sa paligid. Nakakatuwa dito! Kung mahilig ka sa mga produktong gawang-kamay, huwag ninyong palampasing bumisita sa lugar na ito. Kilala ang Saga Prefecture dito. Dahil gusto pa naming makakita ng ibang ceramics, nagtungo kami sa Gallery Arita.

 

 

"Gallery" ang tawag dito pero puwede kang mamili sa mga naka-display na ceramic na tasa upang gamitin sa pag-inom.

 

 

Nakalimutan kong banggitin- nakakabili ng pagkain dito! Mairerekomenda ko ang mala-mochi na tofu meal set. Sa aking palagay, parang magkapares ang pagkain na kanilang hinahain sa mga ceramics na nakikita sa kanilang tindahan. Ang gara tingnan ng mga inihain sa amin kaya panay ang kuha ko ng ritrato sa mga ito.

 

 

Pagtapos naming kumain, naglakad-lakad kami sa isang lugar na ang tawag ay Uchiyama Road. May mga arkitektura dito na mukhang may impluwensiyang European. Sa kakalakad namin, narating namin ang isang dambana, ang Tozan Shrine. Sumasamba ang mga taong nakatira dito sa shrine na ito. Dito nila ipinagdadasal ang kanilang mga hiling para sa masaganang negosyo.

 

 

Sinubukan din namin ito! Naghagis kami ng mga tig-5-yen na barya sa kahon at nakatanggap ng mga nakasulat na kapalaran. Kaso nakasulat naman ito sa salitang Hapon! Haha. Ang mga kapalaran na ito ay nakaayos ayon sa suwerte. Huwag mong iuwi ito kung ang iyong makukuha ay hindi gaanong masuwerte.

 

 

 

Pagkatapos, nagpunta naman kami sa isang lugar na mukhang may impluwensiyang German ang arkitektura nito. Napakaganda dito, ngunit ang makatawag-atensyon para sa amin ay ang ceramic painting workshop na kanilang inaalok kung saan maaari kaming mag-drowing at mag-pintura ng sarili naming mga ceramics. Pagkatapos mong magguhit, ipapadala nila sa iyong tahanan ang natapos mong ceramic sa loob ng 2-4 linggo. Hindi ba ang cute nilaaaaaaa?

 

 

Kung pag-ibig o relasyon ang pag-uusapan, huwag palampasing bumisita sa Takeo Shrine. Mayroong sikat na "couple tree" dito, kung saan nagdadasal ang mga tao para sa kanilang mga relasyon.

 

 

Kahit "amateur" single ka, first-time wisher, o kahit wala ka namang dalangin ay puwede kang dumalaw dito.

 

 

Ang una mong gagawin dito ay bibili ka ng agimat, isipin mo kung sino ang taong pinagdadasal mo, at sundin mo lamang ang mga direksyon na nakasulat sa agimat mo. Ganon lang! Hindi siya mahirap gawin!

 

 

May isang malaking-malaking puno sa malapit, at mahigit 3000 taon na ito. Hindi naman nila dinadasalan ang punong ito, kaya nagkuha lang kami ng ritrato. Ang punong ito daw ang tahanan ng sikat na Studio Ghibli character na si Totoro. Kung fan ka ni Totoro, dumalaw ka sa lugar na ito!

 

 

Sa aming paglalakad, narating namin ang Takeo City Library. Ang galing na mayroon silang cafe sa loob ng aklatan mismo. Dahil dito, siguradong dadami ang mga bibisita sa aklatang ito. Hindi lamang mga libro ang pinupunta ng mga tao dito kundi isa itong magandang tagpuan ng mga magkakaibigan at magkakamag-anak upang magliwaliw.

 

 

Ang gara ng huli naming ginawa sa araw na ito. May pinanood kaming light show sa Mifuneyama Rakuen. Sa umaga lang ito nagbubukas kadalasan, ngunit kapag panahon ng tag-init ay bukas ito hanggang gabi. Alas 8 na ng gabi nang kami'y pumasok. Ang light show ngayong taon ay gawa ng mga designer sa "teamLab". Nagkaroon din sila ng light show sa Bangkok 2-3 buwan na ang nakakalipas. Kahanga-hanga ang light show na ito!

 

Para sa karagdagang detalye at mga imahe, CLICK HERE (originally posted in Thai).

 

 

Related Links

Special Feature: 4-day/3-night Paglibot sa Saga Prefecture via Rental Car
Saga Is More Than You Think! Day 1
Saga Is More Than You Think! Day 3

 

"JAPAN DISCOVERY"paglalakbay

Petsa ng pag-update: 2016-09-14 11:21
Gusto kong pumunta:
2
Average: 2 (1 vote)
Petsa ng pag-update: 2016-09-14 11:18
Gusto kong pumunta:
4
Average: 4 (1 vote)
Petsa ng pag-update: 2016-09-14 11:16
Gusto kong pumunta:
4
Average: 4 (1 vote)
Petsa ng pag-update: 2016-09-13 11:48
Gusto kong pumunta:
4
Average: 4 (1 vote)
Petsa ng pag-update: 2016-09-13 11:47
Gusto kong pumunta:
4
Average: 4 (1 vote)

Mga Pahina