I want to visit this.: 
4
Average: 4 (1 vote)
2016/08/22

 

Naririnig-rinig ko na ang tungkol sa Saga prefecture dati, at ikinagagalak kong makapunta dito sa wakas! Una kaming nagputna sa Karatsu, na matatagpuan sa hilagang bahagi ng Saga. Inabot kami ng dalawang oras papunta doon mula sa Fukuoka Airport, gamit namin ay kotse.

 

 

Ang una naming kinain ay ang sikat na Yobuko Squid ng Saga. Manamis-namis ito at malinamnam. Namumukod-tangi para sa akin ang paraan ng paghain sa amin nito: ang bagong-hiwang sariwang pusit ay iniayos ng magara sa plato bago inihain sa aming harapan. Napakalinamnam nito kahit na idawdaw mo ito sa sawsawan o hindi. Para naman sa mga hindi kumakain ng hilaw na pagkain, mayroon ding tempura at pinirito na pusit. Huwag ninyong palampasin ito kung kayo'y magagawi dito!

 

 

Nang kami'y nabusog na, sunod naman naming pinuntahan ang bukirin ng Suginohara para masilayan ang mga baka dito. Hindi ito ordinaryong mga baka- ang karne na nakukuha sa kanila, ang Saga-wagyu, ay mamahalin. Mula sa kamalig na tinutulugan ng mga baka, masisilayan ang napakagandang tanawin ng dagat sa may ibaba ng bukid. Kung mahilig ka sa kalikasan, maigi na bumisita sa Suginohara para sa masarap na daloy ng hangin, ang mala-"Sound of Music" na aura nito, at ang taimtim na kapaligiran.

 

 

Sunod, nagtungo kami sa Hadomisaki. Pamilyar sa'yo ang lugar na ito kung napanood mo ang Thai drama na "Stay", may mga eksensa na dito kinunan. Sikat na tagpuan ng mga magsing-irog ang korteng puso na dambana dito. Pagkatapos naming magkuhaan ng ritrato, naglakad-lakad muna kami hanggang nakita namin ang underground observation tower. Ito ay matatagpuan below sea level kaya naghahagdan pa paibaba upang makarating dito. Nang makarating kami doon, ang dami naming nakitang isda! Ang ganda! Nakakabili rin ng pagkain na puwedeng ibigay sa mga isda. Ang garang puntahan ng lugar na ito.

 

 

Pagod ka na? May isang van dito na nagbebenta ng kakigori (parang halo-halo). Kung gusto mo namang magbabad sa araw, maaari kang umupo sa may dalampasigan at magpahinga doon. Kung gutom ka na, marami namang tindahan na nagbebenta ng inihaw na sazae (o turban shell, isang kabibi na korteng tukarol), at inihaw na abulon. 500JPY ang halaga ng tatlong pirasong abulon. Ang sarap nito.

 

 

Pabalik ng siyudad, nakita namin ang Karatsu Castle. Tampok na simbolo ng siyudad, ang Karatsu Castle ay itinatag na napapalibutan ng dagat. At kung gusto mo naman ng magandang tanawin, magtungo sa Mount Kagamiyama. Medyo mahaba ang aakyatin ngunit kapag nakarating ka na sa viewing deck ay may 360-degree view ka ng Karatsu.

 

 

Nga pala, huwag ninyong kalimutang bumisita sa Nijinomatsubara. Ito'y 4.5 kilometro ang layo sa siyudad. Baka isipin ninyo, "Bakit may sasakyan dito? May nilalako ba yan?" Ang sagot ay nagbebenta sila ng Karatsu burgers!

 

Ang tindahan na ito ay 50 taon nang nagbebenta ng masarap na burger.

 

Huli naming narating ang aming tutuluyan para sa gabing iyon, ang Forest Inn Imari. Mayroong mabait na Thai sa kanilang staff. Ang gara ng aming mga silid. Nagtapos ang aming araw sa aming inihapunan na Saga wagyu beef.

 

Para sa karagdagang detalye at mga imahe, CLICK HERE (originally posted in Thai).

 

 

Related Links

Special Feature: 4-day/3-night Paglibot sa Saga Prefecture via Rental Car
Saga Is More Than You Think! Day 2
Saga Is More Than You Think! Day 3

"JAPAN DISCOVERY"paglalakbay

Petsa ng pag-update: 2016-09-14 11:21
Gusto kong pumunta:
2
Average: 2 (1 vote)
Petsa ng pag-update: 2016-09-14 11:18
Gusto kong pumunta:
4
Average: 4 (1 vote)
Petsa ng pag-update: 2016-09-14 11:16
Gusto kong pumunta:
4
Average: 4 (1 vote)
Petsa ng pag-update: 2016-09-13 11:48
Gusto kong pumunta:
4
Average: 4 (1 vote)
Petsa ng pag-update: 2016-09-13 11:47
Gusto kong pumunta:
4
Average: 4 (1 vote)

Mga Pahina