Sinasabing tinatag noong taong 178 ng isang "seiga shonin" (ang tawag sa Buddhist na monghe sa Japanese) na galing sa bansang India, ang Sennyoji Daihioin Temple ay kilala bilang Raizan Kannon. Mahalaga ang naging papel nito sa kasaysayan bilang prayer temple ng feudal government ng Kamakura, lalo na noong kapanahunan ng pagtangkang pamamasok ng mga sundalo ng Mongolia sa Japan at 300 na silungan ang itinayo sa bundok kung nasaan rin ang templo.
Makikita dito ang mga itinalagang pambansang cultural property tulad ng nakatayong estatwa ni Kannon (diyosa ng kahabagan) na may 1000 na braso, isang nakaupong estatwa ng Seiga Shonin, at iba pang mga itinalagang pamprepekturang cultural item kasama na ang Shinji Garden. Lahat ng ito ay bukas sa publiko. Ang estatwa ni Kannon ay talagang nabibilang sa 1000 ang mga kamay, at lahat ng mga kamay na ito ay may nakaukit na mata sa mga palad nito. Isang daanan naman sa gilid ang magdadala sa iyo sa 500 estatwa ng mga lohan o ang mga monghe na nakarating na sa Nirvana. Ang kada estatwa ng lohan ay may iba't-ibang ekspresyon sa kanilang mga mukha.
Ang mga pulang dahon tuwing Nobyembre ng higanteng puno ng maple na sinasabing 400 taong gulang ay hindi dapat palagpasin.
Source: www.crossroadfukuoka.jp
9:00 AM-5:00 PM (ang prayer at reception desk ay bukas hanggang 4:30 PM)
Entrance fee: JPY 400 (middle school students pababa ay libre)
Karagdagang fee: JPY 100 para makita ang higanteng maple tree (tuwing Nobyembre lamang)
Mayroong free parking para sa 50 sasakyan
20 minutong pagmamaneho mula sa JR Chikuzen-Maebaru Station
Homepage: http://www.sennyoji.or.jp/
- 自然景観
- 歴史・文化
- 温泉
- レジャー・
スポーツ - 食・お土産
- 宿泊情報
- ショッピング
- お勧め
- 同国人