Ang Ogi Park ay isang kilalang parke na ginawa nina Motoshige Nabeshima at Naoyoshi Nabeshima, ang una at ikalawang pinuno ng Ogi Domain. Maganda ang tanawin na makikita rito kahit anong panahon, pero ang pinakamaganda at inirerekomendang panahon na pumunta dito ay tuwing tagsibol para sa mga sakura (cherry blossom). Sinasabing sa sobrang ganda raw ng mga sakura dito ay namangha rin ang royal court noong unang panahon. Pinagmamalaki nito ang mga 3,000 puno ng sakura na siyang dahilan kung bakit napili ang Ogi Park ng Japan Cherry Blossom Association bilang isa sa 100 pinakamagandang lugar para sa cherry blossoms sa buong Japan. Napupuno ito ng mga bisita sa tagsibol dahil marami ang nagpupunta para sa hanami (cherry blossom viewing). Tuwing tag-init naman, may mahigit 25,000 bulaklak ng azalea na namumunga dito habang sa gabi naman ay mayroong mga alitaptap na makikita. Ang "Kakumaki" na isang malaking puno na mahigit 340 taong gulang ay isa ring hindi dapat palagpasin sa parke. Bukod pa dito ay mayroon ring maliit na lawa at playground kung kaya naman saktong-sakto ang Ogi Park para tambayan ng mga pamilya at makapagrelax.

 

Source: http://www.saga-tripgenius.com/

 

Mga Oras at pista opisyal: 

Free entrance, no business hours

Impormasyon paradahan (presensya at bayad): 

Parking available

Ang ibig sabihin ng transportasyon: 

・From train station: 5 minutong lakad mula Ogi Station (JR Karatsu Line)
・By car: 15 minutong pagmamaneho mula Nagasaki Expressway Saga-Yamato IC
・By bus: Sumakay sa Showa Bus na papuntang Ogi, bumaba sa “Ogi” bus stop, at maglakad ng 5 minuto

185 Ogimachi, Ogi
845-0001

 

施設一覧
地図下部のアイコンを 選択してください
 

 

  • 自然景観
  • 歴史・文化
  • 温泉
  • レジャー・
    スポーツ
  • 食・お土産
  • 宿泊情報
  • ショッピング
  • お勧め
  • 同国人

Ang mga taong nakabasa ng article na ito ay interesado rin sa mga ito hotels.