Ang Nokonoshima ay isang maliit na isla na malapit sa Hakata Bay. Ang malawak na natural park sa hilagang parte ng isla ay ang Nokonoshima Island Park. Kilala ito sa mga tao bilang isang tourist spot na bagaman nasa ibang isla ay madaling puntahan sakay lamang ng ferry na hindi tatagal ng lagpas 10 minuto. Sa kada panahon ay iba't-ibang bulaklak ang namumukadkad dito: cherry blossom, poppies, at field mustard tuwing spring, sunflower at red scarlet sage kapag summer, cosmos tuwing autumn, at mga daffodil kapag winter. Marami pang ibang puno, halaman, at bulaklak ang matatagpuan dito depende sa panahon bukod sa nabanggit. Maaaring magpalipas ng isang buong araw dito habang pinagmamasdan at ine-enjoy ang magandang tanawin sa paligid mo. May iba-iba ring mga gawain na mae-enjoy ng bata man o matanda tulad ng mini-animal zoo kasama ng mga kuneho at kambing, ceramic painting classes, pottery, at isang a mini-golf game na kung tawagin ay "Noko-ball."
I-click ang link na ito para malaman kung anong bulaklak ang kasalukuyang matatagpuan sa Nokonoshima Island Park: http://nokonoshima.com/en/flower/
Mga bulaklak ng nanohana (rapeseed blossom) at cherry blossoms sa March at April
Ang namumulaklak sa buwan ng Hulyo ay mga marigold at plumed cockscomb.
May mga restaurant at shop rin na matatagpuan sa loob ng park.










Weekdays: 9:00 AM-5:30 PM
Sundays and holidays: 9:00 AM-6:30 PM
Adult (high school student age and above): ¥1,000
Elementary and junior high school student: ¥500
Child (3 years old and above): ¥300
Pagkarating sa Nokonoshima, maglakad pakaliwa at tumawid sa kalsada papunta sa bus stop. Sumakay sa bus na darating para makapunta sa Island Park.
English homepage: http://nokonoshima.com/en/
- 自然景観
- 歴史・文化
- 温泉
- レジャー・
スポーツ - 食・お土産
- 宿泊情報
- ショッピング
- お勧め
- 同国人