Ang Miyajidake Shrine na kilala bilang isang shrine na naggagawad ng pagpapala para sa mas masaganang kapalaran at negosyo ay kung saan sinasamba ang diyos na si Okinagatarashi-hime no Mikoto (sinasabing isa pang tawag sa makasaysayang si Empress Jingu). Taon-taon ay umaabot ng 2,200,000 ang mga bisita dito.

 

Isang ritwal na kung tawagin ay “Tsuitachi Mairi” ay ginaganap dito kada buwan, kung saan ang unang dasal sa unang araw ng buwan ay nagsisimula ng hatinggabi. Sa panahon na ito, ang mga kalye sa paligid ng shrine ay napapalibutan ng maraming bentahan ng mga souvenir, pagkain, at iba pa, na bukas buong araw hanggang hatinggabi. Maraming bisita ang dumadayo sa mga araw na ito sa buong araw. 

 

Ang shimenawa (Shinto rope) na makikitang nakasabit sa bandang itaas ng main shrine ay may bigat na 5 tonelada. Kasama ng malaking kampana at malaking Taiko drum sa loob ng shrine, ang tatlong bagay na ito ay kilala sa tawag na “Japan’s Best 3.”

 

May kaugalian rin dito ng pagbisita sa 8 iba pang shrine sa loob ng Miyajidake Shrine na kung tawagin ay “Oku no Miya Hachisha Mairi.” Kapag ginawa raw ito ay makakatanggap ka ng iba't-ibang grasya mula sa kada shrine, kaya halina at subukan mo rin ito!

 

Namumulak ang napakaraming cherry blossoms at irises dito depende sa panahon. Makikita rin sa loob ng shrine ang Minkamura Natural Park at isang petting zoo na tiyak na ikatutuwa ng mga bata.

Irises

Cherry blossoms

 

Petting zoo

 

Bago ka umalis, huwag palagpasin ang nakamamanghang tanawin na ito ng siyudad na tila abot hanggang dagat ang layo habang pababa ka ng hagdanan.

 

Tingnan ang website na ito para sa iba pang detalye: http://www.miyajidake.or.jp/images/en/booklet.pdf

 

Mga Oras at pista opisyal: 

Prayer: 7:00 - 19:00 
* Bukas 24 oras mula gabi ng December 31 hanggang January 1

Impormasyon paradahan (presensya at bayad): 

Available, 700 spaces

Ang ibig sabihin ng transportasyon: 

・By car - 10 minuto mula JR Fukuma Station (Kagoshima Main Line), 20 minuto mula Saga Interchange
・By train at bus - sumakay sa Nishitetsu bus na papuntang Tsuyazaki-bashi mula sa Fukuma Station at bumaba sa Miyajidake Miya Mae stop
 

811-3309
Phone0940-52-0016

 

施設一覧
地図下部のアイコンを 選択してください
 

 

  • 自然景観
  • 歴史・文化
  • 温泉
  • レジャー・
    スポーツ
  • 食・お土産
  • 宿泊情報
  • ショッピング
  • お勧め
  • 同国人