Ang Michi-no-eki Mizunashi Honjin Fukae ay isang liwasan na matatagpuan sa isa sa mga pook na naapektuhan ng pagsabog ng Mt. Unzen noong 1991. Ang pagsabog na ito ay nagdulot ng pagguho ng kalupaan, at nag-iwan ng abo at dumi sa paligid. Itinatag ang liwasan upang maging paalala sa mga susunod na henerasyon ng pinsala na naidulot ng sakuna na ito. Matatagpuan dito ang isang museo at ang lugar kung saan may labing-isang kabahayan na halos matabunan ng dumi at pyroclastic flow (isang dumadaloy na malaking tumpok ng mainit na mga bagay gaya ng bato, abo, at iba pang kemikal sanhi ng pagsabog ng isang bulkan) mula sa Fugendake, isa sa mga pinakamataas na bahagi ng Mt. Unzen.
Tampok din dito ang iba-ibang kainan kung saan makakabili at makakatikim ang mga bisita ng mga lokal na produkto. Mayroon ring mga tindahan ng mga souvenir at iba-ibang klaseng mga kalakal, at may mga tindahan kung saan ang mga bisita ay maaaring gumawa ng sarili nilang mga souvenir.
8:30~17:00 (5:00PM)
Open all days of the year
Volcanic Museum: JPY 350 for adults / JPY 250 for children
Great Volcanic Flow Experience Hall: JPY 350 for adults / JPY 250 for children
Tour of the houses buried under the debris: free of charge
Parking Available (open 24 hours)
Parking for buses - 22 slots
Passenger/Private Cars - 177 slots
Please visit this site for more information.
- 自然景観
- 歴史・文化
- 温泉
- レジャー・
スポーツ - 食・お土産
- 宿泊情報
- ショッピング
- お勧め
- 同国人