Ang Kashii Shrine ay sinasamba sina Emperor Chuai at Empress Jingu at matatagpuan sa Higashi-ku, Fukuoka City. Binuo ito noong taong 724 at isa ito sa pinakamatanda at pinakapormal na shrine sa Japan na dating may ranggo bilang isang Imperial shrine. And main shrine ay may kakaibang architecture na kung tawagin ay “Kashii-zukuri” na muling binuo noong katapusan ng Edo Period, at nakatalaga rin ito bilang isa sa mga Important Cultural Property ng Japan. Ang treasure hall dito ay mayroong mga lumang parte ng bubong, mga dokumento, larawan, at iba pa. 

     Kada sampung taon may bumibisita na sugo mula sa Imperial Palace at ang dinadaanang kalsada nito ay may haba na 800 metro na puno ng nakahanay na mga puno ng camphor. Mayroon rin ditong tinatawag na “fountain of youth” na sikat rin. 

 

Sagradong Puno sa Kashii Shrine

     Ang puno daw na ito ay galing sa isang sanga ng puno ng cedar na itinali ni Empress Jingu sa ibabaw ng kanyang damit bilang panghabang-panahon na proteksyon sa tatlong kayamanan na itinago niya sa kanyang katawan, na lumaki at naging puno pagkagaling niya sa matagumpay na laban niya sa Korea. Ang mga hugis at laki ng mga dahon nito ay hindi nagbabago kahit makalipas ang 1800 na taon, at patuloy pa ring nagbubunga ng mga panibagong supling at sanga kahit hindi pinuputol o nililipat ang puno. Maaaring masilayan ang kahanga-hangang puno na ito buong taon. 

 

Furosui, ang “fountain of youth”

     Ang balon na ito ay nasa likuran ng Kashii Shrine. Sinasabing hinukay ito ni Takenouchi no Sukune, isang makasaysayang bayani at pulitiko noong panahon ng Yamato, sa ilalim ng utos nina Emperor Chuai at Empress Jingu. Araw-araw ay kumukuha si Takenouchi ng tubig dito at ginagamit ang tubig para ipagluto ng kanin si Jingu, at siya rin mismo ay umiinom ng tubig mula sa balon na siya daw dahilan ng pagkabuhay niya hanggang 300 taong gulang. Ito ang dahilan kung bakit naging sikat ang tubig dito bilang isang "tubig ng panghabambuhay na kabataan" at kung bakit hanggang ngayon ay maingat itong pinapangalagaan. Ang Environment Agency ng Japan ay itinalaga ang tubig dito bilang isa sa 100 Best Spring Waters ng Japan. 

 

(Photo by creative commons)

 

Mga Oras at pista opisyal: 

Opening hours
April to September: 5:00 AM-6:00 PM
October to March: 6:00AM-5:00 PM

 

bayad: 

Free entrance

Impormasyon paradahan (presensya at bayad): 

Parking available, 350 spaces

Ang ibig sabihin ng transportasyon: 

3-minutong lakad mula Kashii-jingu Station (JR Kashii Line)

iba: 

Homepage (Japanese only): http://kashiigu.com/

4-16-1 Kashii, Higashi-ku
813-0011
Phone092-681-1001

 

施設一覧
地図下部のアイコンを 選択してください
 

 

  • 自然景観
  • 歴史・文化
  • 温泉
  • レジャー・
    スポーツ
  • 食・お土産
  • 宿泊情報
  • ショッピング
  • お勧め
  • 同国人

Ang mga taong nakabasa ng article na ito ay interesado rin sa mga ito hotels.