Matatagpuan sa kalagitnaan ng "Hatto" (ang walong sikat na hot springs ng Beppu) ang lugar kung saan talaga namang mararamdaman ng mga bisita ang tunay na "onsen" (hot spring). Ang lugar na ito ay tinatawag na Kannawa Hot Springs. Napapaligiran ito ng sumisingaw na usok mula sa hot spring sa ilalim ng lupa, isang tanawin na sumisimbolo sa imahe ng Beppu.

 

Ang mainit na "impyerno" na kung tawagin ay Kuberiyu-no-i  ay ginawa ni Ippen Shonin noong panahon ng Kamakura. Ang lugar sa paligid ng mushiyu (steam bath) ang naging sentro ng Kannawa, at maraming pampublikong paliguan (na maaaring gamitin kapalit ng maliit na halaga) pati na rin mga pasalubong shop ang matatagpuan sa makikitid at paikot-ikot na mga kalsada dito. Marami ring mga kakaibang hotel na nakikilala at nagpapasikat sa Kannawa bilang pangunahing hot spring area sa Beppu.

 

874-0045

 

施設一覧
地図下部のアイコンを 選択してください
 

 

  • 自然景観
  • 歴史・文化
  • 温泉
  • レジャー・
    スポーツ
  • 食・お土産
  • 宿泊情報
  • ショッピング
  • お勧め
  • 同国人