• Fukuoka Tower Christmas illumination

 

Matatagpuan sa Momochihama sa siyudad ng Fukuoka, ang Fukuoka Tower ay isang landmark an may taas na 234 metro. Ito rin ang pinakamatangkad na seaside radio wave tower sa Japan. Makikita nang malinaw at walang harang ang tanawin ng Fukuoka pati na rin ang mga bulubundukin sa paligid nito at ang Hakata Bay mula sa viewing deck ng tower na 123 metro ang taas. Matatanaw rin ang Yahoo Fukuoka "Yafuoku" Dome mula rito. Talaga namang nakamamangha ang 360-degree view mula dito. Mayroon ring mga magagandang illumination display tuwing Pasko at Tanabata season. Bukod dito, kilala rin ang Fukuoka Tower bilang isang pang-romantikong lugar, lalo na ang tinatawag na "Lover's Sanctuary" nito.

 

Sa February 14, 2017, isang espesyal na "LOVE Illumination" ang sisindihan sa buong tower sa mga oras na 7:00 PM, 8:00 PM, 9:00 PM and 10:00 PM, kaya huwag itong palampasin!

 

360-degree view mula sa taas

 

Ang sikat na "love lock" na ikinakabit ng mga magkasintahan sa Lover's Sanctuary para sa walang hanggang pag-ibig.

 

Ang pink heart lock na ito ay mabibili hanggang February 14, 2017 lamang.

 

Image (c) http://www.fukuokatower.co.jp/

 

 

15 minutes on foot from Nishijin Station
徒歩
bayad: 

Adult: JPY 800

Child (elementary and junior high school student): JPY 500

Impormasyon paradahan (presensya at bayad): 

Parking available with 88 spaces

(May libreng 2 oras ang mga pupunta sa viewing deck ng Fukuoka Tower)

2-3-26 Momochihama, Sawara-ku
814-0001

 

施設一覧
地図下部のアイコンを 選択してください
 

 

  • 自然景観
  • 歴史・文化
  • 温泉
  • レジャー・
    スポーツ
  • 食・お土産
  • 宿泊情報
  • ショッピング
  • お勧め
  • 同国人