• 波戸岬海水浴場

 

Ang Cape Hado o Hadomisaki ay sikat na lugar sa Karatsu, lalo na sa pagiging isang "lovers' sanctuary." Isa itong nakausling piraso ng lupain na nakaharap sa dagat ng Genkai. Isang oras ang layo nito mula sa lungsod ng Karatsu.

 

Ang mga pangunahing attraction ng Cape Hado ay ang korteng-pusong monumento, observation tower sa ilalim ng dagat, at ang paglubog ng araw. Madalas itong puntahan at tambayan ng mga mag-boyfriend na kabataan para magkuhaan ng picture sa harap ng heart monument at pati na rin ng mga pamilya na namamalagi sa malawak at magandang damuhan sa harap ng dagat. And observation tower sa ilalim ng dagat na mapupuntahan gamit ang mahabang walkway mula sa Hadomisaki ay hindi rin dapat palagpasin. Pagkababa mo sa isang paikot na hagdanan, makikita mo sa harapan mismo ng sarili mong mga mata ang mga isda na lumalangoy sa dagat dahil sa mga bintana ng tower.  

 

Sa takipsilim naman ay masasaksihan mo ang napakagandang tanawin ng paglubog ng araw kung saan kinukulayang orange ng araw ang parehong dagat at langit. 

 

Ang inihaw na sazae (turban shell) na ibinebenta sa mga stall dito ay hindi rin dapat palagpasin.

 

 

 

長崎自動車道 多久IC
車、タクシー
約50分
波戸岬
国道203号線で唐津方面へ50分
唐津大手口バスセンター
バス
約55分
波戸岬
呼子行バス終点下車(乗換)波戸岬行きバス(55分)
Mga Oras at pista opisyal: 

Opening hours

- April hanggang September: 9:00 AM-6:00 PM 

- October hanggang March: 9:00 AM-5:00 PM 

 

* Bukas buong taon ngunit maaaring magsara depende sa lagay ng panahon

bayad: 

Underwater observation tower fee

- Matanda: 550 JPY

- Bata: 250 JPY

- Sanggol: Free

Impormasyon paradahan (presensya at bayad): 

Parking available, 300 JPY kada araw

1082 Chinzeimachi, Hado, Karatsu-shi
847-0404
Phone0955-82-5907

 

施設一覧
地図下部のアイコンを 選択してください
 

 

  • 自然景観
  • 歴史・文化
  • 温泉
  • レジャー・
    スポーツ
  • 食・お土産
  • 宿泊情報
  • ショッピング
  • お勧め
  • 同国人