Ang Ainoshima ay isang isla sa Fukuoka Prefecture na 17 minuto lamang ang layo sakay ng barko mula sa Shingu Port. Maraming mga itinalagang national historical landmark dito sa isla katulad ng Ainoshima Stone Tumuli (na grupo ng mga nakakumpol na bato na namo noon pang ika-5 siglo), ang kakaibang hugis ng tinatawag na “Megane (eyeglasses) Rock”, pati na rin mga Shinto shrine. 

 

Kung susundan ang daan na nakapalibot sa kabilugan ng isla, malilibot mo na ang kabuuan nito sa kabuuang distansya na 5.4 kilometro. Ang daan na ito ay nagsisilbi rin bilang isang hiking course at isang magandang lugar para sa bird-watching lalo na sa panahon ng pag-migrate ng mga ibon. 

 

Ang isa pang espesyal na bagay sa Ainoshima ay ang maraming pusa na nakatira dito, kung kaya naman sa kasalukuyang mga taon ay nakilala ang isla sa tawag na “Cat Island” at “Cat Paradise.” Naging sikat rin itong puntahan lalo na ng mga taong mahihilig sa pusa mula pa sa iba-ibang mga bansa.

 

Source: www.crossroadfukuoka.jp

 

bayad: 

Ferry mula Shingu Port to Ainoshima (and vice versa)
Adult (one-way): JPY 460
Child (one-way): JPY 230

Ang ibig sabihin ng transportasyon: 

Access papuntang Shingu Port
◆Mula Nishitetsu Shingu Station (Nishitetsu Kaizuka line) → sumakay sa community bus na “Ai-land” line (route #2) ng mga 20 minuto.
◆Mula JR Fukkodaimae Station (JR Kagoshima main line) → sumakay sa community bus na “Ai-land” line (route #1) ng mga 15 minuto.

 

Community bus fare: JPY 100


The ferry ride from Shingu Port is approximately 17 minutes. 5 to 6 ferry rides depart daily, however the frequency depends on the season and weather.

Ainoshima, Shingu, Kasuya District, Fukuoka Prefecture
811-0118

 

施設一覧
地図下部のアイコンを 選択してください
 

 

  • 自然景観
  • 歴史・文化
  • 温泉
  • レジャー・
    スポーツ
  • 食・お土産
  • 宿泊情報
  • ショッピング
  • お勧め
  • 同国人