• Lumikha nang bagong akawnt
  • Lumagda
  • Login
フィリピン語
[X]
  • Burmese
  • 简体中文
  • 繁體中文
  • English
  • Filipino
  • Bahasa Indonesia
  • 日本語
  • 한국어
  • ภาษาไทย
  • Tiếng Việt
Navigation
  • Home
  • Itinerary
  • Mapa
  • Message management
  • Mga hotel at iba pa
    • Onsen at tuluyan, Hotel
    • Hot Spring
  • Pagkain
    • Impormasyon tungkol sa restaurant
    • Food
  • Paglalakbay
  • Pamimili, Shopping
  • Q&A
  • Sightseeing
    • Impormasyon tungkol sa mga Libangan o Leisure
    • Natural Na Landscape
    • Event Information
    • Mga Hot Spring

You are here

Bahay » Ang Pinakamagagandang Lugar sa Fukuoka Para sa Taglagas!
Submitted by JAPAN DISCOVERY on Wed, 11/02/2016 - 16:39
Gustuhin!: 
No votes yet

 

Nag-iiba ang kulay ng mga dahon sa mga puno sa kabundukan at kagubatan habang unti-unting lumalamig sa paglantad ng umaga at pagsapit ng gabi- ito na nga ang hudyat ng pagdating ng panahon ng taglagas. Hayaang tumagos sa isip at damdamin ang sariwang hangin, malinaw na kalangitan, at makulay na mga dahon sa mga lugar na ito sa Kyushu, at namnamin ang magandang panahong dulot ng taglagas!

 

Akizuki Castle Ruins

Noong 1624, ipinatibay ang Akizuki Castle gamit ang 50,000 bato sa pamumuno ni Kurota Nagaoki, ikatlong anak na lalaki ni Kurota Nagamasa. Dahil dito ay nagsimulang umunlad ang Akizuki bilang isang "castle town". Kapansin-pansin ang mga nagsisi-pulang dahon sa paligid lalo na sa may Kuromon Gate ng castle ruins. Sa paligid ay maraming kainan at tindahan at pamilihan na matagal nang kilala sa lugar. Masayang maglakad-lakad sa paligid.

I-click ito para sa iba pang mga detalye.

 

Mount Kubote

Matatagpuan sa pagitan ng Buzen at Chikujo sa Fukuoka Prefecture ang bundok ng Kubote na tinatawag ding "500-monk mountain". Kinikilala itong sagradong pook ng Buzen Shugendo, isang uri ng asetisismo sa mga kabundukan ng Japan na may halong kaugalian galing sa Shintoism at Buddhism. Mayroong kakaibang bukol sa gilid ng bundok kaya natatangi ang porma nito. Tuwing panahon ng taglagas, araw-araw nagpapalit-palit ang kulay ng mga dahon ng mga puno dito, at masisilayan ang mga ito sa paglakad sa mga daanan sa bundok.

I-click ito para sa iba pang mga detalye.

 

Komyozen-ji Temple

Itinatag noong panahon ng Kamakura sa pamumuno ng mongheng si Tetsugyu Enshin ang templo ng Komyozen-ji, at matatagpuan din dito ang Rinzai school of Buddhism. Nakakamanghang pagmasdan ang paligid nito tuwing taglagas habang napapaligiran ng mga pulang dahon na nagmimistulang disenyo sa Zen garden.

I-click ito para sa iba pang mga detalye.

 

Gyorakuen Garden

Sinimulan ng sikat na pintor na si Sesshu sa Amaki sa Kawasaki ang kinikilala na ngayong hardin ng Gyorakuen. Nang siya ay hindi makabalik sa Kyoto dahil sa Onin War, nanirahan muna siya sa Kawasaki. Ayon sa mga kuwento, gumamit siya ng mga pamamaraan sa landscaping o pag-disenyo ng kalupaan na kaniya pang natutunan sa Tsina upang makalikha ng isang hardin na nagbibigay ng magandang tanawin kahit ano mang panahon. Dumadagsa ang mga bisita dito tuwing Nobyembre para masilayan ang mga puno at halaman sa taglagas.

I-click ito para sa iba pang mga detalye.

 

Ohori Park Japanese Garden

Bilang pagdiriwang sa ika-50 anibersaryo ng Ohori Park, itinayo sa loob nito ang Japanese Garden noong 1984. Napapalibutan ng pader na yari sa pinalitadahang kahoy, ang hardin na ito ay may lawak na 12,000sqm. Isa itong eleganteng lugar na may malawak na lawa, dumadaloy na mga batis, maliliit na burol, at tradisyonal na dry landscape garden. Maaaring masilayan ang halamanan mula sa isang tradisyonal na tea room dito, na may sarili ring hardin sa loob nito. 

I-click ito para sa iba pang mga detalye.

 

Related Articles

Mula Mount Y...
Tayo Na At M...
The 99th Lio...
Sofukuji Tem...

  • Hotel
  • Flight
  • RAIL

 

- PR -

Japan Rail Passes - Book Online

Information

2017-04-19 10:30

Kyushu Down Under! Ibusuki Sand Bath Experience Tour♪

2017-04-11 17:38

10-Day Kyushu-Chubu Japan Tour kasama ng Vietnamese TV Travel Program!

2017-04-05 15:16

Kyushu-Golden Route Tour, Inirerekomenda ng Japan Discovery!

2017-03-16 18:34

2017 Cherry Blossom Forecast

2016-11-21 17:54

Mga Espesyal na Pagkaing Lokal sa Kyushu Tuwing Taglagas!

Paglalakbay

2016-09-14 11:16

Saga Is More Than You Think! Day 3 (August 24, 2016) by Por

2016-09-13 11:45

Saga, A Travel Story: Day 3 (August 24, 2016) by Nim

2016-09-12 14:48

Saga Is More Than You Think! Day 2 (August 23, 2016) by Por

2016-09-12 11:47

Saga, A Travel Story: Day 2 (August 23, 2016) by Nim

2016-09-09 09:59

Saga Is More Than You Think! Day 1 (August 22, 2016) by Por

Magbasa pa

  • pangunahing pahina
  • Mga Tuntunin sa Paggamit
  • Privacy Policy

レンタカーのことならタイムズカーレンタル

Articles recommended by JAPAN DISCOVERY writers

2017-04-19 10:30

Kyushu Down Under! Ibusuki Sand Bath Experience Tour♪

2017-04-11 17:38

10-Day Kyushu-Chubu Japan Tour kasama ng Vietnamese TV Travel Program!

2017-04-05 15:16

Kyushu-Golden Route Tour, Inirerekomenda ng Japan Discovery!

2017-04-03 16:14

Pelikulang "This Time" Nag-Shoot sa Art Museum sa Japan

2017-03-16 18:34

2017 Cherry Blossom Forecast

Magbasa pa

 

- PR -

© 2019 JAPAN DISCOVERY. All Rights Reserved.
Design by Zymphonies